
MANILA, Philippines – Nagsagawa ng protesta ang mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at iba’t ibang sektor sa DILG NAPOLCOM Center sa Quezon City nitong Huwebes, Disyembre 4, 2025.
Hinihiling nila ang pagbuwag sa NTF-ELCAC at ang paglilipat ng pondo ng gobyerno para sa mga serbisyong panlipunan, sa halip na sa militarisasyon at paniniil.
Ipinapakita rin ng kilos-protesta ang lumalaking pag-aalala sa tumitinding militarisasyon sa mga komunidad sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. DANNY QUERUBIN









