Home NATIONWIDE Guarantee letters ng mga solon sa ilalim ng MAIFIP, gustong kalusin ni...

Guarantee letters ng mga solon sa ilalim ng MAIFIP, gustong kalusin ni Sotto

260
0

MANILA, Philippines – Ipinanukala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III noong Lunes ang posibilidad na alisin ang papel ng mga mambabatas sa pagbibigay ng guarantee letters (GLs) sa mga ospital para sa mga indigent patients sa ilalim ng Department of Health’s MAIFIP program.

Ipinagtanggol niya ang pagtaas ng budget ng MAIFIP para sa 2026 sa P51 bilyon, na nakalaan para sa mga mahihirap na pasyente sa pribadong ospital.

“Ang plano dito sa MAIFIP, i-allow ito sa mga private hospitals para pwede mag-private hospital ang mga indigent patients, lahat ng mahihirap, ma-accommodate sa mga private hospitals,” ani Sotto.

“‘Hindi yan pork barrel. Hindi namin i-aallow magkaroon, MAIFP, pork barrel. Medical assistance, diretso. Hanggang maaari nga aalisin namin ng guarantee letters, diretso sa DOH at diretso sa PhilHealth ang funding,” dagdag pa niya.

Ani Senator Loren Legarda, “in an ideal world,” hindi na kailangan ang guarantee letters, ngunit hanggang hindi pa ganap na naipapatupad ang Universal Health Care, kinakailangan ang tulong para sa pinakamahihirap.

Ayon kay Senate Pro Tempore Panfilo Lacson, hindi niya iraranggo ang 2026 budget Bicam report hangga’t hindi naitama ang mga probisyon sa MAIFIP, na ayon sa kanya ay nagiging bukas sa political patronage.

Ang MAIFIP (Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients), ay isang programa na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga pasyenteng walang kakayahang magbayad ng kanilang gastusing medikal. Saklaw nito ang bayad sa ospital, gamot, laboratory tests, at iba pang serbisyong medikal. Maaaring mag-avail ang benepisyaryo sa mga health facilities na kasali sa programa sa pamamagitan ng Medical Social Service Department ng ospital. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here