Home NATIONWIDE Guho ng Bantayan Church ‘wag gawing anting-anting

Guho ng Bantayan Church ‘wag gawing anting-anting

282
0

MANILA, Philipines – Nanawagan si Fr. Edmar Marcellones ng Parroquia de San Pedro Apóstol sa Bantayan Island, Cebu, sa publiko na huwag kumuha ng mga debris mula sa simbahan na nasira ng lindol bilang souvenir o “anting-anting.”

“Pinaaalalahanan ko ang lahat na ang pagkuha ng anumang bahagi ng debris bilang souvenir o ‘anting-anting’ ay mahigpit na ipinagbabawal at itinuturing na pagnanakaw,” ani Marcellones.

Hinimok din niya ang mga mananampalataya na tumulong sa pagsasaayos ng simbahan. “Bawat piraso ng bato at materyal ay bahagi ng ating sagradong pamana. Ipaubaya natin ito sa mga eksperto at suportahan ang kanilang gawain sa pagpapanatili ng ating simbahan,” dagdag niya.

Nasira ang pediment at tuktok na krus ng simbahan matapos ang 6.9-magnitude na lindol na tumama sa Cebu noong Setyembre 30, kaya pansamantalang isinara ito sa publiko. Sinimulan na ng mga eksperto ang teknikal na pagsusuri para sa restoration.

Pansamantalang idaraos ang mga misa sa labas ng simbahan habang isinasagawa ang pag-aayos. Ayon kay Marcellones, magbubukas din sila ng bank account para sa Earthquake Repair Project upang tanggapin ang mga donasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here