ZAMBOANGA, Philippines – Nasa kabuuang 87.9% na ang kabuuang completion rate ng konstruksyon ng Guicam Bridge sa Zamboanga Sibugay, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang proyekto ay bahagi ngĀ Build Better More Program ng administrasyong Marcos, na magdudugtong sa Olutanga Island at sa mainland sa pamamagitan ng bayan ng Alicia.
May haba itong 540.8 metro, may 12 spans, at may navigational clearance na 14.8 meters ang taas para sa mga dumadaang barko.
Ang proyekto ay pinondohan ng P1.155 bilyon mula sa Asian Development bank na layong mapabilis ang biyahe, paigtingin ang koneksyon ng mga isla, at pasiglahin ang ekonomiya ng Zamboanga Peninsula.
Kasabay ng site visit noong Hulyo 4, inatasan ng DPWH ang contractor na pabilisin ang girder at concreting works para matapos agad ang proyekto.
Inaasahan namang malaki ang ginhawang dala nito sa transportasyon at kabuhayan sa buong Southwestern Mindanao. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)