Home OPINION GULO SA RALLY LUMANG ESTILO NG GOBYERNO

GULO SA RALLY LUMANG ESTILO NG GOBYERNO

310
0

MUKHANG mauuwi sa turuan kung sino ang may tunay na motibo o kung sino ang higit na makikinabang sa nangyaring kaguluhan sa anti-corruption rally sa Mendiola sa Maynila.

Pinaiimbestigahan ng Malacanang si dating Ilocos Sur Luis “Chavit” Singson sa pag-uudyok sa kabataan na magrebolusyon kontra korapsyon.

Sa ating palagay, napilitang lumantad si Chavit sa isang presscon sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan dahil sa pagmamalinis ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa hayagang katiwalian sa flood control projects.

Mahirap naman kasi talaga paniwalaan na walang alam ang Pangulo kaugnay ng budget insertions noong nakaraang 3 taon (2023, 2024, 2025) na nakapaloob sa General Appropriation Act dahil siya ang pumirma sa mga ito. Lahat ng paraan upang rebisahin ang badyet ay nasa kamay ni PBBM.

Mag-iinit talaga ang Malacanang kay Chavit dahil din sa panawagan niyang unang imbestigahan ng Independent Commission for Infrastructure ang mga flood control projects sa Ilocos Norte na balwarte ni Marcos.

Ayon kay Chavit, ang mag-asawang Discaya rin ang pangunahing contractors sa Ilocos Norte. Simula 2022 hanggang 2025, ang Ilocos Norte ay nakatanggap ng P10 billion flood-control projects.

May punto nga naman si Chavit na kung gusto ng ICC na siyasatin ang katiwalian sa flood control projects ay unahin nito ang Ilocos Norte na ayaw siyempre mangyari ng Malacañang. Ngayon, idinadawit si Chavit sa nangyaring gulo sa rally para siya’y mapatahimik.

Sa totoo lang, pabor sa administrasyon na mauwi sa gulo ang nasabing rally upang maibaling ang sisi at atensyon sa mga grupong tumutuligsa sa gobyerno.

Ito ay lumang estilo na ng gobyerno simula pa noong dekada 70. Normal na ang pagkakaroon ng mga provocateur at infiltrators upang sumiklab ang kaguluhan at masisi ang hanay ng mga nagpoprotesta.

Madali ring ituro o sisihin ang mga Duterte sa nangyaring gulo sa anti-corruption protest kasi’y sila raw ang ultimong makikinabang kung mapatalsik si PBBM sa Malacanang.

Mahirap talaga kapag nasa panig ng oposisyon. Madaling masisi, madaling maituro. Collateral damage, ika nga.

Ngunit unti-unting lumilitaw kung sino-sino ang nasa likod ng magulo at madugong protesta sa Mendiola. Sila ‘yung mga partilistang grupo na kunwari ay tumutuligsa sa katiwalian pero ang nais patalsikin sa poder ay si Vice President Sara Duterte.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here