Home NATIONWIDE Guo sumulat kay Escudero; ‘di pagdalo sa Senate probe ipinaliwanag – Win

Guo sumulat kay Escudero; ‘di pagdalo sa Senate probe ipinaliwanag – Win

145
0

MANILA, Philippines – Nagpaliwanag ang kampo ng suspendidong Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pamamagitan ng isang liham kay Senate President Francis “Chiz” Escudero kung bakit hindi siya dumalo sa pinakabagong mga pagdinig sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa kanyang bayan, ani Senator Sherwin Gatchalian ngayong Martes.

Sinabi ni Gatchalian na nakuha niya ang impormasyon nang makausap niya si Escudero noong Lunes pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Napagalaman natin na nagpadala pala itong si…’yung abugado ni Guo Hua Ping kay Senate President ng sulat na nagpapaliwanag kung bakit hindi siya nakadalo. Sabi niya, hindi naman niya intensyon nai-disrespect ang Senado. ‘Di rin niya intensyon na ibalewala ang proseso ng ating bansa,” anang senador sa isang interbyu.

“Wala naman siyang pangako kung pupunta o hindi pupunta sa mga susunod na pagdinig. Wala rin siyang sinabi kung ano ‘yung mga gagawin niya sa mga susunod. So, parang empty letter lang para sa akin,” aniya pa.

Si Guo ay nasa sentro ng imbestigasyon ng Senado sa ni-raid na POGO hub sa Bamban, Tarlac matapos makita ng ilang nasamsam na dokumento na personal siyang sangkot sa pagproseso ng mga dokumento para sa operasyon nito.

Kinuwestiyon din ang citizenship ni Guo dahil sa hindi magkatugmang mga testimonya tungkol sa kanyang background at sa mga diumano’y kahina-hinalang dokumento tungkol sa kanyang Filipino citizenship.

Sa unang bahagi ng buwang ito, naglabas ang Senado ng utos ng pag-aresto laban kay Guo dahil sa paulit-ulit na hindi pag-attend sa imbestigasyon ng upper chamber.

Inutusan ding arestuhin sina Dennis Lacson Cunanan, Nancy Jimenez Gamo, at ang mga umano’y kamag-anak ng alkalde na sina Sheila Leal Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen L. Guo, at Wenyi Lin.

Samantala, sinabi ni Senator Risa Hontiveros na wala pa ring impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Guo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here