Home NATIONWIDE Guro nasawi sa stress sa galit ng prinsipal; DepEd mag-iimbestiga

Guro nasawi sa stress sa galit ng prinsipal; DepEd mag-iimbestiga

160
0

MANILA, Philippines – Tatalupan ng Department of Education-Davao (DepEd-11) ang pagkamatay ng isang guro sa Pantukan, Davao de Oro, na nasawi umano dahil sa stress matapos na pagalitan umano ng principal.

Sinabi ng tagapagsalita ng DepEd-11 na si Jenielito Atillo, isang dayalogo ang isasagawa at hihilingan ang punong-guro na dumalo.

Batay sa impormasyong nag-viral sa social media, dinala sa ospital ang guro at namatay umano dahil sa stress matapos umanong sawayin ng principal.

Nangyari ang insidente matapos umanong direktang magsumbong ang isang magulang sa punong-guro na nasugatan ang kanyang anak sa loob ng silid-aralan.

Sa isang group chat, sinabi ng guro na nagche-check siya ng mga papel nang mangyari ang insidente sa estudyante. Sumasayaw umano ang estudyante at tumama ang ulo sa upuan at nasugatan.

Nagpaabot ng pakikiramay ang DepEd-Davao de Oro sa pamilya ng guro.

“Ang DepEd Davao de Oro ay tinitiyak sa publiko na masusing magsasagawa ng imbestigasyon sa sanhi ng kanyang pagkamatay,”ayon sa DepEd-Davao de Oro. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here