MANILA, Philippines – Apektado ng Southwest Monsoon o Habagat ang kanlurang bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA ngayong Martes, Hulyo 30, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Ilocos Region at Zambales dahil sa naturang weather system.
Ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, Tarlac, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil din sa Habagat.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized Thunderstorms. RNT/JGC