Home NATIONWIDE Habagat, LPA trough magpapaulan sa ilang lugar

Habagat, LPA trough magpapaulan sa ilang lugar

130
0

MANILA, Philippines- Magdudulot ng pag-ulan ang Southwest Monsoon (Habagat) at trough o extension ng pressure area (LPA) sa ilang lugar ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Makararanas ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, at Bataan ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa Southwest Monsoon na nakaaapekto sa Luzon at Visayas.

Inaasahan naman sa Davao Oriental, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Islands, Leyte, Southern Leyte, at Eastern Samar ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa trough ng LPA.

Kaninang alas-3 ng madaling araw, ang LPA ay tinatayang 1,035 km east ng southeastern Mindanao.

Nakaamba sa Metro Manila, natitirang bahagi ng Visayas, at natitirang parte ng Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa monsoon.

Iiral naman sa natitirang bahagi ng Mindanao ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging rough sa northern at western sections ng Luzon, at moderate to rough sa Visayas at natitirang bahagi ng Luzon.

Sa Mindanao, ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw ng alas-5:38 ng umaga at lulubog ng alas-6:27 ng hapon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here