Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng S. Luzon, Visayas

Habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng S. Luzon, Visayas

MANILA, Philippines- Magdudulot ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan ang southwest monsoon o Habagat sa western sections ng Southern Luzon at Visayas ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Inaasahan sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Occidental Mindoro, at Palawan ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa southwest monsoon.

Nakaamba naman sa Metro Manila, CALABARZON, natitirang bahagi ng MIMAROPA, Zambales, at Bataan ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil din sa southwest monsoon.

Makararanas ang natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Samantala, nagbabadya sa western sections ng Luzon at Visayas ang light to moderate wind speed patungong southwest to south direction na may slight to moderate coastal waters.

Iiral sa natitirang bahagi ng bansa ang light to moderate wind speed patungong southeast to south direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw ng alas-5:28 ng umaga at lulubog ng alas-6:28 ng hapon. RNT/SA