DswdMANILA, Philippines- Upang mapadali ang pagresponde sa kalamidad, isang mobile application ang dine-develop ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa eksakto at real time disaster incident reporting.
Sa ginanap na Media Forum nitong Huwebes (June 20) sa DSWD New Press Center, ipinakilala ni Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Diana Rose Cajipe ang Advanced Data Gathering for Assistance Preparedness for Protection (AGAPP), isang innovative tool na naglalayong magbigay ng real-time situation reports sa panahon ng kalamidad.
“It is important in our planning to be very specific and address the needs. The only way we would know that is to be able to get accurate data, and of course, disaggregated data as well. For example, in our evacuation center, how many are pregnant, are there persons with disabilities?
With the software that we are currently working on, we will not only be identifying the number of people in an evacuation center, but also obtaining this very, very important data that we can use in our planning and our response operations,” ani Usec. Cajipe.
Ipinaliwanag ni Usec Cajipe na ang advanced data gathering application ng AGAPP ay nagbibigay ng malinaw na data, image capturing, geotagging para sa mas mabilis na communication process.
“The Disaster Response Command Center (DRCC) here at the Central Office was extended through the Mobile Command Centers (MCC). Now, we are procuring gadgets so our field workers can input data from the ground and then it goes directly to the Central Office, near real-time,” sabi pa ni Usec Cajipe.
Nilinaw rin ni Usec Cajipe na ang DRCC na inilunsad kamakailan ang siyang magiging central hub para sa disaster monitoring, reporting, at coordination para sa paghahanda at mabilis na pagresponde sa panahon ng kalamidad.
Bukod naman sa DRCC, kamakailan din ay umarangkada na ang mga Mobile Command Centers at ideneploy ito sa 14 DSWD regional offices. Ang nasabing MCC ay naglalaman ng state-of-the-art Information and Communications Technology (ICT) equipment na magbibigay ng real-time coordination and communication information sa national at local government agencies. Ang MCC ay mayroon ding free WiFi at internet connectivity at free charging para sa mga mobile phones sa mga disaster-hit areas na walang kuryente. Santi Celario