Home METRO Lalaki patay matapos 31 beses tagain ng stepfather sa Leyte

Lalaki patay matapos 31 beses tagain ng stepfather sa Leyte

3
0

LEYTE — Patay ang isang 45-anyos na lalaki matapos siyang pagtatagain ng kanyang stepfather sa Barangay Naulayan, Matag-ob, Leyte noong Hunyo 9.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Nilo,” habang ang suspek ay ang kanyang 62-anyos na stepfather na si alyas “Des.”

Ayon sa pulisya, rumesponde sila sa ulat ng isang concerned citizen at nadatnan ang bangkay ng biktima na may maraming taga sa katawan. Lumabas sa imbestigasyon na nagtamo ito ng 31 sugat na siyang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Narekober sa crime scene ang isang 24-pulgadang itak na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Sa paunang imbestigasyon, napag-alaman na lasing ang biktima at umano’y tangkang pagtatagain ang isang aso. Sinubukan siyang pigilan ng kanyang stepfather ngunit nagalit umano ito at siya pa ang nagtangkang umatake gamit ang itak.

Naagaw ng suspek ang sandata at ito rin ang ginamit sa pagtaga sa biktima.

Agad na inaresto ng mga awtoridad ang suspek at sinampahan na ng kasong homicide. Kasalukuyan itong nakakulong sa Matag-ob Municipal Police Station. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here