Home ENTERTAINMENT Robin, may mensahe sa 7 anyos na anak!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Robin, may mensahe sa 7 anyos na anak!November 25, 2026 06:4510 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Tiyak na kung lubos niyang kilala si Gabriela Silang ayflattered ang anak ni Sen. Robin Padilla sa ginawa nitong comparison.Sa 7th birthday kasi ni Maria Gabriela ay sinabi ng aktor-pulitiko na ito daw ay “modern-day Gabriela Silang.”Si Gabriela ang youngest of two daughters ni Robin kay Mariel Rodriguez.Sa kanyang Facebook post, binanggit ng senador ang mga katangian ng anak.He described Gabriela as “paborito naming sakit ng ulo pero nagbibigay-buhay sa aming tahanan.”Bukod daw sa matapang ang anak, “tagabuwag” din daw ito ng lahat ng mga batas ni Mariel.Ani Robin, si Gabriela daw ang batang walang kinikilalang gobyerno.Lagi din daw itong may mga galos sa tuwing uuwi from school as if she always sets out to war.Dahil dito’y binansagan siya ng ama bilang “ang makabagong Gabriela Silang!”In fairness daw to his daughter, ang laki daw ng naitulong nito noong panahon ng pandemya.Si Gabriela daw kasi ang nagbigay sa kanila ng lakas ng loob para labanan angCOVID-19 sa kanilang tahanan.Papuri ni Robin: “Siya ang manyika namin noong pandemya!”Payo niya sa anak sa 7th kaarawan nito: “Hinay-hinay lang sa tapang!”May pinagmanahan. Ronnie Carrasco III