MANILA, Philippines – Apektado ng shear line, Amihan at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang bansa ngayong Miyerkules, Nobyembre 25.
Ayon sa PAGASA, ang Mainland Cagayan, Isabela, at Apayao ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm naman ang mararanasan sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dahil sa ITCZ.
Ang Batanes at Babuyan Islands ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan dahil sa Amihan at ang Ilocos Norte ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa kaparehong weather system.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan an may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC