Home NATIONWIDE Habagat nakakaapekto sa Luzon, kanlurang bahagi ng Visayas

Habagat nakakaapekto sa Luzon, kanlurang bahagi ng Visayas

3
0

MANILA, Philippines – Patuloy na nagdadala ng malalakas na pag-ulan ang Habagat sa ilang bahagi ng bansa partikular sa Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas.

Ayon sa PAGASA, ngayong Lunes, Agosto 17, ay makararanas ng occasional rains dahil sa Habagat ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, at Bataan.

Ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Ilocos Norte, Batanes, Cagayan, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Occidental Mindoro ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil din sa Habagat.

Samantala, ang Visayas at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil din sa kaparehong weather system.

Habang ang Mindanao ay magkakaroon ng kaparehong lagay ng panahon ngunit dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here