MANILA, Philippines – Patuloy na nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas ngayong Lunes, Agosto 10, 2026.
Ayon sa PAGASA, ang Benguet, Zambales, at Bataan ay makararanas ng monsoon rains dahil sa Habagat.
Ang Metro Manila, Ilocos Region, the rest of Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro ay makararanas naman ng occasional rains dahil din sa kaparehong weather system.
Samantala, ang Western Visayas, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, nalalabing bahagi ng CALABARZON, nalalabing bahagi ng MIMAROPA, Camarines Norte, at Camarines Sur ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil din sa Habagat.
Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Localized Thunderstorms. RNT/JGC