Home METRO Habal driver dinamba sa P40M droga

Habal driver dinamba sa P40M droga

CEBU CITY – Nakuha sa isang habal-habal (hindi rehistradong motorcycle taxi) driver ang anim na kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P40.8 milyon sa isinagawang operasyon ng Philippine National Police – Regional Drug Enforcement Unit sa Central Visayas nitong Lunes ng gabi.

Ang operasyon sa Sitio Arko Ali, Barangay Labangon dito ay nagresulta sa pagkakaaresto kay Joey Iñego, 36, mula sa Sibulan, Negros Oriental.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na kabilang ang suspek sa top 10 priority wanted list dahil pinangangasiwaan umano nito ang supply chain ng ilegal na droga ng isang preso sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sinabi ng pulisya na ang suspek ay maaaring magtapon ng pitong kilo ng iligal na droga kada linggo sa buong Negros Oriental at Metro Cebu area.

Nasa pulisya na ang mga pangalan ng mga downline ng suspek para sa follow-up operations. RNT