Home NATIONWIDE Habeas corpus petition ni FPRRD hiniling na desisyunan na

Habeas corpus petition ni FPRRD hiniling na desisyunan na

121
0

MANILA, Philippines – Nagsasagawa ng protesta ang grupong One Bangsamoro Movement, unang araw ng kanilang dalawang araw na pagtitipon sa harap ng Korte Suprema sa Maynila.

Nagpahayag ang mga tagasuporta ng mga Duterte ng kanilang panawagan sa mga kinakaharap nilang mga kaso.

Kabilang sa isinusulong ng grupo ang agarang pagdinig at paglabas ng desisyon sa habeas corpus petition na inihaing ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, gayundin ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Mahigpit namanang seguridad sa harap ng Korte Suprema at bantay sarado ng mga tauhan ng Manila Police District, kabilang ang presensya ng District Mobile Force Battalion na naka-deploy upang tiyakin ang kaayusan at kaligtasan ng mga raliyista at ng publiko.

Layunin ng kilos-protesta na maiparating sa mga kinauukulan ang kanilang kahilingan, at tiniyak na magpapatuloy bukas ang kanilang aktibidad.

Si Duterte ay kasalukuyang nakadetine sa The Hague, Netherlands kung saan sa Abril 22 ay maglalabas na ang International Criminal Court ng desisyon sa hurisdiksyon sa kaso ng dating Pangulo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here