Home NATIONWIDE Hagupit ni Reming inalala ng mga taga-Legazpi

Hagupit ni Reming inalala ng mga taga-Legazpi

241
0

MANILA, Philippines – Nagtipon-tipon ang mga pamilya at kaibigan ng mga biktima ng Super Typhoon Reming sa Padang Memorial Shrine sa Legazpi City nitong Sabado, Nobyembre 30 na marka ng ika-18 anibersaryo ng pananalasa nito.

Kabilang sa komemorasyon ang isang misa at candle-lighting ceremony.

Sinabi ni Legazpi City Mayor Alfredo Garbin Jr. na mahalaga ang mga aral na natutunan sa nakaraan para sa mas matibay at mas resilience na komunidad.

“We will continue to rise no matter the challenges that may be brought to us. There’s always a brighter side to what happened 18 years ago with Reming. Our city and the province of Albay became a champion in disaster risk reduction and mitigation — a reputation we continue to uphold,” ani Garbin.

“When we mobilized preemptive evacuation, all joined and cooperated. The people of Barangay Padang showed how crucial early action and teamwork are in saving lives. We don’t wish for another Reming and if we could, we would eliminate typhoons altogether,” dagdag ng alkalde.

Ang Super Typhoon Reming ang nananatiling isa sa deadliest storms na tumama sa Albay.

Kumitil sa buhay ng 600 katao ang mudflow mula sa Bulkang Mayon na nagbaon sa ilang tirahan sa Barangay Padang at mga kalapit na lugar.

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nawawala. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here