MANILA, Philippines – NAGSAGAWA ng pagpupulong sina Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at Budget Secretary Amenah Pangandaman upang talakayin ang panukalang Halal Town development ng pamahalaang lungsod at ang planong rehabilitasyon ng Golden Mosque Complex sa Quiapo, nitong Lunes, Nobyembre 3, 2025.
Nabatid na inihahanda ang mga nasabing proyekto bago pa man pangunahan ng bansa ang paghu-host ng ASEAN Summit sa susunod na taon.
Pinuri naman ng DBM chief ang konsepto ng Halal Town ng Maynila at tiniyak ang kahandaan ng kanyang ahensya na magbigay ng suporta, lalo na’t naghahanda rin ang pambansang pamahalaan para sa malaking rehabilitasyon sa Golden Mosque.
“When I saw your project on TV, the Halal Town and taking care of our Muslim brothers and sisters in Manila, I was so happy and excited,” ani Pangandaman kay Yorme Isko.
“Insha’Allah, we are happy that the UAE government is going to provide us funding para mapaganda yung Golden Mosque Complex,” ayon pa kay Pangandaman.
Nabanggit naman ni Pangandaman na ang nasabing restorasyon ay batya na din sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos na i-upgrade ang makasaysayang lugar na orihinal na itinayo noong panahon ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ayon kay Pangandaman, ang inaasahang rehabilitasyon ay umaayon sa pagsisikap ng Maynila na ipakita ang pagiging relihiyoso at turismo sa kultura ng nga Pilipino.
Binanggit ng DBM chief ang estratehikong lugar kung saan magkalapur lamang ang Quiapo Church at ang Golden Mosque kung saan iponapakita ang simbolo ng pagkakaisa.
“For those who are Muslim, pwede silang pumunta dito; yung mga Katoliko naman, papasyal din dito. Then, there’s exchange, maganda po siya for tourism prospects, trade, work, jobs, livelihood, among others,” ani Pangandaman.
Pinasalamatan naman ni Domagoso ang DBM sa suporta nito at binigyang-diin na ang inisyatibo ng Halal Town ng lungsod ay parehong lokal na programang pangkabuhayan at isang pambansang pang ekonomiya.
“I was very excited to present our small effort in aligning the city’s goals with the national government — especially as we are hosting the ASEAN,” ani Domagoso.







