Home TOP STORIES Haligi ng ginagawang gusali, bumaluktot; abalang bahagi ng New York, pinalikas

Haligi ng ginagawang gusali, bumaluktot; abalang bahagi ng New York, pinalikas

1
0

MANHATTAN, New York – Pinalikas ng mga awtoridad ang isang abalang bahagi ng Manhattan, New York noong Martes matapos bumigay ang ilang structural columns sa isang skyscraper na kasalukuyang ginagawang apartment.

Ayon kay New York Mayor Zohran Mamdani, dalawang pangunahing haligi ang bumaluktot habang may nakita ring maraming bitak at lumulubog na mga sahig.

“Two structural columns have buckled, in addition to multiple cracks and sagging floors. The building remains unstable. Since arriving on scene, we have witnessed additional movement in one of the compromised columns,” ani Mamdani.

Sinabi niyang seryoso ang sitwasyon ngunit wala namang nasugatan at ligtas na nailikas ang lahat ng manggagawa.

Ang gusali, na dating punong tanggapan ng Pfizer malapit sa Grand Central Station at United Nations headquarters, ay isinasailalim sa malaking proyekto upang gawing humigit-kumulang 1,600 luxury rental apartments.

Bilang pag-iingat, pinilikas din ang mga kalapit na hotel, negosyo, apartment at isang paaralan, habang isinara ang mga kalsada. Gumamit din ng drone ang mga awtoridad upang masuri ang lawak ng pinsala.

Ayon sa isang kinatawan ng construction workers’ union, posibleng nadagdagan ang bigat ng gusali dahil sa pagdaragdag ng mga palapag.

“I’ve been in construction 21 years, and I’ve never seen a beam bend in half—so this is super dangerous,” aniya.

Ikinuwento rin ng ilang manggagawa na agad silang pinalikas matapos makita ang pagbiyak at pagbaluktot ng mga haligi sa loob ng gusali.

Sinabi ng mga opisyal na maglalagay ng emergency support beams upang patatagin ang istruktura. Papayagan lamang makabalik ang mga residente at manggagawa kapag natiyak nang ligtas ang gusali. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here