But wait, hayaan munang namnamin ni Andrea Brillantes ang kanyang tagumpay for her winning Halloween costume–na talaga namang nangabog nang bonggang-bongga.
Aber, bakit ‘ika n’yo?
Standout kasi si Andrea na halos hindi nakilala nang mag-grand entrance sa venue ng party.
Sa halip kasi na mag-astang Hollywood star tulad ni Audrey Hepburn, ang iconic silent film icon na si Charlie Chaplin ang naisipang gayahin ng aktres.
For that ay umani ng sandamakmak na paghanga si Andrea mula sa mga netizens.
Ayon sa mga ito na obyus na manghang-mangha sa kanyang paandar: “Iba ka talaga, Blythe!”
“Pasabog palagi si Blythe!”
“Hindi namin nakilala si Andrea. Total transformation!”
“Basta Andrea Brillantes, pasabog lagi!”
“Si Andrea talaga, hindi natatakot maging tsaka.”
“Love it! So unique palagi ang costume ni Blythe!”
“Next year, kabugin mo din ‘yang Charlie Chaplin costume mo, ha?!”
“Pag walang Andrea sa Halloween costume party, boring!”