Home METRO Halos 10 taon nagtago: Sundalong kumuha ng clearance, arestado sa kasong murder

Halos 10 taon nagtago: Sundalong kumuha ng clearance, arestado sa kasong murder

14
0

MANILA, Philippines – Sa selda ang bagsak ng 46-anyos na sundalo ng Philippine Army na nahaharap sa kasong Murder may sampung taon na ang nakalilipas matapos maaresto habang nasa bisinidad ng Caloocan Judicial Complex sa Caloocan City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili. nagtungo si alyas “Erwin”, residente ng Brgy. Tabuk, Isabela City, Basilan, sa Judicial Complex sa 10th Avenue dakong ala-1:25 ng hapon upang kumuha ng court clearance sa pag-aakalang na-dismiss na ang kanyang kaso na dahilan para siya maaresto.

Nagtago umano ang sundalo matapos masangkot sa kasong murder at lumutang lang muli sa pag-aakalang sarado na ang usapin matapos ibasura ng hukuman ang kaso laban sa kanyang mga kasama.

Hindi na nakapalag ang akusado nang isilbi sa kanya ng pulisya, kasama ang legal officer ng hukuman, ang warrant of arrest na inilabas noong Mayo 16, 2016, ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Assisting Judge Rosalia Hipolito-Bunagan ng Branch 121 ng walang piyansang inirekomenda.

Ani Bgen. Capili, ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng NPD laban sa mga wanted na indibidwal at sa patuloy na pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at hustisya sa lugar ng CaMaNaVa. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here