Home NATIONWIDE Halos 3M pasahero naserbisyuhan ng libreng sakay sa tren ngayong holiday season

Halos 3M pasahero naserbisyuhan ng libreng sakay sa tren ngayong holiday season

260
0

MANILA, Philippines – Halos tatlong milyong pasahero ang nakasakay nang libre sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 mula Disyembre 14 hanggang 25 sa 12 Days of Christmas – Libreng Sakay program, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Kabuuang 2,841,788 pasahero ang naitala na naserbisyuhan sa nasabing panahon, ayon sa DOTr sa isang press release nitong Biyernes, Disyembre 26.

Ang programa ay nagbigay ng libreng sakay sa mga partikular na sektor o benepisyario bawat araw, na may mga partikular na araw para sa mga senior citizen, estudyante, overseas Filipino workers at kanilang pamilya, mga guro/mangagawang pangkalasan, mga taong may kapansanan at mga lalaking pasahero, mga empleyadong pampamahalaan, mga babaeng pasahero, mga pamilya, LGBTQIA+ community/mga solo parent, mga empleyadong pribado at kasambahay, mga beteranong may uniporme at pamilya, at may huling “Free for All” na araw noong Disyembre 25.

Ang pinakamaraming bilang ng mga komyuter sa nasabing panahon ay naitala sa MRT-3 na may 1,183,950 pasahero. Ang LRT-1 ay nakapagserbisyo ng 1,091,951 pasahero, samantalang ang LRT-2 ay may 565,887 pasahero, ayon sa DOTr.

Sa mismong Araw ng Pasko, Disyembre 25, ang huling araw ng programa, kabuuang 835,777 pasahero ang naserbisyuhan sa tatlong rail lines ,ang pinakamataas na bilang ng mga sakay sa 12 Days of Christmas – Libreng Sakay.

Ang pangalawang pinakamataas na bilang ng mga sakay ay naitala noong Disyembre 18 na may 550,138 kabuuang pasahero (mga PWD at lalaking pasahero), sa tatlong linya ng riles. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here