Home NATIONWIDE Halos 4K pasahero, istranded sa mga pantalan kay bagyong Wilma

Halos 4K pasahero, istranded sa mga pantalan kay bagyong Wilma

264
0

MANILA, Philippines – Dahil sa bagyong Wilma, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na aabot na sa 3,929 na mga pasahero, cargo helpers, at truck drivers ang stranded sa 55 pantalan sa bansa.

Nasa 1,268 rolling cargoes, 48 vessels, at 30 motorbanca ang hindi pinapabiyahe bunsod ng masamang lagay ng panahon.

Pansamantalang nakasilong at nakidaong ang nasa 96 vessels at 40 motorbanca sa ibang pantalan upang maging ligtas sa epekto ng bagyo.

Sa datos pa ng PCG, naitala ang mga stranded sa mga pantalan sa Southern Tagalog region, Northeastern Mindanao, Northern Mindanao, Southern Visayas, Central Visayas, at Bicol region.

Patuloy na nakaminitor ang PCG sa sitwasyon habang pinapaalalahanan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa mga shipping lines para malaman kung may kanselasyon ng mga biyahe upang maging ligtas sa epekto ng bagyong Wilma. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here