Home NATIONWIDE Halos 4K poll candidates nagparehistro na ng social media accounts sa Comelec

Halos 4K poll candidates nagparehistro na ng social media accounts sa Comelec

152
0

MANILA, Philippines – Halos 4,000 kandidato na ang nakapagrehistro ng kanilang social media accounts sa Commission on Elections (Comelec) para sa national at local elections (NLE).

Sa datos ng Comelec, nagpakita na kabuuang 3,904 kandidato ang nagsumite ng kanilang online registration nitong Miyerkules, Disyembre 4, 2024.

Kabilang dito ang 24 senatorial bets, 3,775 local aspirants at 105 representatives ng party-list organizations.

Habang 2,096 aspirants ang nagsumite ng hard copy.

Itinakda ng komisyon ang deadline para sa registration ng online campaign platforms sa susunod na Linggo, Disyembre 13, 2024.

Sinabi ng Comelec na wala nang extension para rito.

Susuriin ng election task force ang aplikasyon at inendorso sa Comelec en banc.

Ilalathala sa opisyal na website at social media accounts ng Comelec ang naaprubahang rehistrasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here