Home NATIONWIDE Halos 500 ex-NPA rebels humirit ng amnestiya

Halos 500 ex-NPA rebels humirit ng amnestiya

162
0

MANILA, Philippines- Halos 500 dating communist New People’s Army (NPA) rebels ang nag-apply para sa amnestiya, base sa National Amnesty Commission (NAC).

Iniulat ng NAC ang kabuuang 497 aplikasyon, base kay Ernesto Torres Jr., undersecretary at executive director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac).

Subalit, maliit na bilang lamang ito ng 39,000 hanggang 40,000 dating NPA members na kwalipikado para sa amnestiya, base kay NAC Commissioner Jamar Kulayan.

Gayunman, inihayag ni Torresna marami pang oras ang dating NPA rebels para mag-avail ng programa, na tatakbo hanggang Matso 6, 2026.

“Return to the fold of the law and live in peace with your families,” pahayag ni Torres nitong Huwebes.

Batay sa NAC, sinabi ng NTF-Elcac na mayroon nang siyam na Local Amnesty Boards (LABs) sa “strategic areas” sa buong bansa: Metro Manila, mga lungsod ng Bacolod at Iloilo sa Visayas; at mga lungsod ng Cotabato, Pagadian, Davao, Isabela, Jolo, Sulu, at Cagayan de Oro sa Mindanao.

Nagsisilbi ang LABs na mga center kung saan maaaring mag-avail ang NPA rebels ng amnestiya, subalit para lamang sa political crimes o mga krimeng nagawa sa pagsusulong ng political beliefs.

Matatandaang tinabla ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang alok na amnestiya ng pamahalaan.

Subalit, sumang-ayon ang National Democratic Front of the Philippines— political arm ng CPP — at ang pamahalaan ay nagkasundo noong Nobyembre 2023 na bubuo ng framework upang buhayin ang peace talks.

Itinatag noong Marso 29, 1969, ang NPA ang itinuturing na “world’s longest Maoist insurgency.” RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here