MANILA, Philippines – Halos 900 deboto ang natugunan ng Philippine Red Cross (PRC) sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno.
Sa tala, kabuuang 856 deboto ang nabigyan ng atensyong medical mula Enero 8 hanggang Enero 10.
Sa bilang na ito, 415 ang vital sings monitoring; 409 minor cases na pawang mga nagtamo ng pagkahilo, lagnat, laceration open wound, sprain, burn, punctured wound, swelling, at contusion.
Sa 13 major cases, ito ang mga may malalim na sugat, headache, deformity puncture, hirap huminga, pagdurugo ng gilagid, pananakit ng extremities, at fracture.
Kinailangan namang dalhin at isunod sa ospital ang 19 deboto habang nabigyan ng welfare assistance ang nasa 2,204 at 83 naman ang psychosocial first aid.
Samantala, apat naman ang nasawi sa gitna ng Traslacion 2026, ayon na rin kumpirmasyon ni Fr. Robert Arellano ang tagapagsalita ng Nazareno 2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden