Home NATIONWIDE Hapon, 2 Pinoy timbog sa extortion

Hapon, 2 Pinoy timbog sa extortion

236
0

MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Japanese national at dalawang Filipino matapos umanong mangikil ng pera mula sa dalawang iba pang Japanese nationals kaugnay ng isang natigil na business deal.

Sinabi ng NBI-Cavite North District Office na kabilang sa mga naaresto sa entrapment operation sa Maynila noong Oktubre 1 sina Akira Machida, Glenn Huerto, at Christopher Maramang.

Inireklamo si Machida ng dalawang Japanese nationals, kabilang ang isang kontraktor.

Ayon sa reklamo, nakipagtransaksyon sa kanila ang suspek para sa renovation ng isang coffee shop na sinabing kanya umanong pag-aari.

Nagkasundo ang dalawang panig sa kontrata na nagkakahalaga ng ₱4.73 milyon, ngunit natuklasan ng kontraktor na ang coffee shop ay hindi pag-aari o inuupahan ni Machida.

Sa kabila nito, itinuloy pa rin ng kontraktor ang renovation project at tumanggap ng inisyal na ₱3.31 milyon, na kumakatawan sa 70 porsiyento ng kabuuang contract price.

Gayunman, hindi na nagpakita si Machida habang nagpapatuloy ang proyekto, dahilan upang itigil ng kontraktor ang renovation.

Kalaunan, nagbanta umano si Machida, kasama sina Huerto at Maramang, sa complainant at sa kanyang pamilya, dahilan upang idulog nila ang insidente sa NBI.

Sa napagkasunduang meeting place, ikinasa ang entrapment operation kung saan naaresto ng NBI ang mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here