Home HOME BANNER STORY Harrasment ng Tsina sa Ayungin ‘di armadong pag-atake – Malakanyang

Harrasment ng Tsina sa Ayungin ‘di armadong pag-atake – Malakanyang

MANILA, Philippines- Sinabi ng Malakanyang na hindi armadong pag-atake na maaaring mag-trigger sa Mutual Defense Treaty ng Pilipinas sa Estados Unidos ang bagong insidente ng harassment ng China vessels sa Philippine boats, dahilan para maputulan ng hinlalaki ang isang Navy man at masugatan ang iba.

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang insidente ay ”probably a misunderstanding or accident.”

”No, well this was probably a misunderstanding or accident, we are not yet ready to classify this as an armed attack. I don’t know kung ‘yung mga nakita namin is mga bolo, ax, nothing beyond that,” wika ni Bersamin.

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na labis na nasaktan ang Philippine Navy serviceman sa banggaan sa pagitan ng Chinese ship at Filipino vessel na nagsagawa ng “rotation at resupply mission” sa Ayungin Shoal.

Ayon sa ulat, may pitong servicemen ang nasaktan noong Hunyo 17 kabilang na ang nawalan ng hinlalaki.

Nauna rito, sinabi ni AFP Public Affairs Office chief Colonel Xerxes Trinidad na ang service member ay ligtas na nailikas at nakatanggap ng agarang medical treatment matapos ang “intentional high-speed ramming” ng China Coast Guard (CCG) sa Philippine vessel.

Sinabi naman ni Presidential Assistant for Maritime Concerns Andres Centino na ang panawagan na pairalin ang Mutual Defense Treaty (MDT) ay hindi pa kinokonsidera sa kabila ng June 17 incident sa Ayungin Shoal sangkot ang Philippine Navy sailors at Chinese Coast Guard personnel.

”That has not been—, your question about the invocation of the Mutual Defense Treaty, that has not been considered in our discussions,” ayon kay Centino sa press conference sa Malakanyang.

Nauna rito, pinangunahan ni Bersamin ang pangalawang pagpupulong ng National Maritime Council sa Palasyo ng Malakanyang, isinagawa alinsunod sa mandato na nakasaad sa Executive Order No. 57, serye ng 2024, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“The meeting was also called upon in light of China’s recent hostile acts in the West Philippine Sea,” ayon kay Bersamin. Kris Jose