Home HOME BANNER STORY Hatol sa impeachment trial ni VP Sara, target bago mag-Disyembre — Win

Hatol sa impeachment trial ni VP Sara, target bago mag-Disyembre — Win

1
0

MANILA, Philippines — Target ng ilang senador na matapos bago mag-Disyembre ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at makapaglabas ng hatol bago matapos ang taon.

Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na posibleng umikli ang paglilitis matapos bawiin ng prosecution panel ang planong paghaharap sa 15 testigo para sa Article I ng Articles of Impeachment.

“Ang timetable na nakikita namin, hopefully, before December matapos na lahat. Hopefully, ha? May verdict,” pahayag ni Gatchalian sa isang ambush interview sa Senado nitong Miyerkoles.

Gayunman, nilinaw niyang nakasalalay pa rin ang iskedyul sa bilang ng mga testigong ihaharap ng depensa matapos talakayin ng prosecution ang apat na Articles of Impeachment. Ayon sa kanya, binawasan na rin ng defense panel ang mga planong testigo nito.

Kaugnay ang Article I sa alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds. Nais ng prosecution na ipatawag si Duterte kapalit ng 15 testigong hindi na nito ihaharap.

Umaasa rin si Senate finance committee chairperson JV Ejercito na mapabibilis ang paglilitis upang mas makapagtuon ang mga senador sa pagtalakay sa pambansang badyet at iba pang suliranin ng bansa.

Nauna nang nagpahayag ang ilang senador ng pagkabahala sa panahong kinakain ng impeachment trial mula sa iba pang gawaing lehislatibo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here