Home NATIONWIDE Health Promotion program palalakasin ng DOH

Health Promotion program palalakasin ng DOH

99
0

MANILA, Philippines – Plano ng Department of Health (DOH) Health Promotion Bureau na makipagtulungan sa mahigit 100 na kompanya mula sa pribadong sektor, development agencies, at civil society organizations.

Layon nito na palakasin ang health promotion program sa Pilipinas na nakatutok sa pag-iwas sa pagkakasakit ng mga Pilipino.

Sa Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni DOH Sec. Ted Herbosa, habang nakatutok ang konsepto ng medisina sa gamot ng mga karamdaman, pinakamainam pa rin na palakasin ang kaalaman at aktwal na pamumuhay ng mga Pilipino sa pag-iwas sa sakit.

Giit ni Herbosa, kailangang magsama-sama ang iba’t ibang sektor para masuportahan ang personal na desisyon ng mga Pilipino na gumawa ng gawaing pabor sa kalusugan.

Aniya, ang pagsasanib-pwersang ito ay patunay ma lumalakas ang tiwala sa DOH ng iba’t ibang propesyonal—sa pribado o pampublikong sektor man, tungo sa kalusugan.

Binigyang-diin din ng Kalihim ang higit na pag-iingat sa sakit sa halip na dumating ang panahon na gagastusin para sa pagpapagamot ng karamdaman. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here