Home NATIONWIDE Health services, bawas na medical expense ilalapit ni PBBM sa mga liblib...

Health services, bawas na medical expense ilalapit ni PBBM sa mga liblib na lugar

1
0

MANILA, Philippines – MALAPIT na serbisyong pangkalusugan at pagbawas sa gastusing medikal sa mga residenteng nasa liblib na lugar.

Ito ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang mensaheng ipinaabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang pagbisita sa newly reconstructed Felipe Abrigo Memorial Hospital o FAMH  at sa FAMH Transitional Hospital, araw ng Biyernes, sa Guiuan, Eastern Samar.

Kasama ni Pangulong Marcos Jr. si Department of Health Secretary Edwin Mercadoat ilang lokal na opisyal ng Eastern Samar.

Sinabi ni Castro na matapos masira ng Bagyong Yolanda ang FAMH noong 2013, pansamantala itong inilipat habang isinasagawa ang rehabilitasyon.

Doon aniya nagpatuloy ang pagbibigay nito ng serbisyong medikal kung saan nakapagtala ng 3,078 admissions habang nasa 969 patients ang nakatanggap ng 2.6 milyong piso na tulong medikal sa ilalim ng YAKAP program. Sinagot ng PhilHealth ang 2,800 claims na nagkakahalaga ng 72.41 milyong piso.

Agad naman aniyang isinagawa ang pagsasaayos ng FAMH gamit ang 858. 54 milyong piso mula sa Korea International Cooperation Agency, DOH at lokal na pamahalaan.

“Ngayon, malapit na itong maging moderno at matatag na pagamutan na inaasahang magbubukas sa publiko sa susunod na buwan oras na makumpleto ang mga permit at accreditation nito,” ani Castro.

Binigyang-diin aniya ng Pangulo na patuloy na pinalalawak ang iba’t ibang programang pangkalusugan ng pamahalaan kabilang na ang Zero Balance Billing na umabot na sa 3.57 milyong pasyente ang natulungan na may kabuuang 95.84 bilyong piso na hospital bills; sa ilalim ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients o   MAIFIP, umabot na sa 1.71 milyong pasyente ang natulungan ng pamahalaan; nakapagbigay na rin ng libreng gamot sa aabot sa higit isang milyong pasyente sa pamamagitan ng 3,215 pasilidad sa ilalim ng Guaranteed and Accessible Medications for Outpatients Treatment   o  GAMOT program; umabot na rin sa 2,279 na gamot  ang VAT-exempt.

Sinabi ni Castro na binigyang diin pa rin ng Pangulo na layunin ng mga programang ito ng pamahalaan na gawing mas abot-kaya, de-kalidad at accessible ang serbisyong pangkalusugan lalo na sa mga nakatira sa malalayong lugar. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here