Bulacan – Patay ang isang 49-anyos na babaeng Barangay Health Worker matapos umanong makuryente habang tumutulong sa mga residenteng apektado ng baha sa lungsod Meycauayan.
Kinilala ang kalunos-lunos na biktimang si Cristina Padora, na kilala sa komunidad ng Brgy. Bayugo na si “Tinay”.
Ayon sa report nitong Martes, aksidenteng nakuryente ang biktima sa isang live wire na nalubog sa tubig-baha habang ginagampanan ang tungkulin.
Agad naman isinugod ang biktima sa ospital ang biktima para sa paunang lunas subalit binawian na ito ng buhay.
Bumuhos ang pakikiramay ng mga residente sa lugar at pinuri ang huwarang lingkod bayan na buong tapang na naglingkod sa kanyang mga kababayan sa gitna ng sakuna.
Samantala, isang bangkay ng hindi kilalang babae ang natagpuan sa ilog ng Brgy. Taliptip, Bulakan bandang 12:30 ng tanghali.
Ayon sa report, isang bangkero na bumabaybay ang ilog patungong Taliptip Fishport ay bumulaga sa kanila ang palutang-lutamg na bangkay ng isang babae.
Dahil dito, ipinag-bigay alam niya sa kanilang barangay ang nakita na agad namang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad para kaukulang imbestigasyon at mai-proseso ang bangkay na naiahon sa pantalan. Dick Mirasol III