Manila, Philippines- Kinain din pala ni Heart Evangelista ang kinain niya.
Matatandaang sinadyang hindi rumampa ni Heart sa nakaraang New York Fashion Week.
Ang paeklay na dahilang ibinigay ng misis ni Senate President Chiz Escudero ay mas nakatutok daw siya sa kanyang health.
Hindi rin daw kasi biro ang pagod na dinaranas niya every time she graces fashion weeks abroad.
It turned out, however, na ginamit lang ni Heart na convenient excuse ang kuno-kunong physical exhaustion as she wanted to spend quality time with Chiz’s children.
Eto ka, namahinga lang pala si Heart dahil this September ay fly siya uli para rumampa.
“See you Milan and Paris!” nga ang post ng global fashion icon, na ikinatuwa naman ng kanyang mga fans.
From September 17 to 23 ay rarampa muna si Heart sa Milan Fashion Week.
Se-segue naman siya sa Paris Fashion Week which starts on September 23 until October 1.
Siyempre, inaabangan ang OOTD ni Heart for the spring/summer collection.
Given na rin na tiyak na kukuyugin si Heart ng mga fashion photographers in both Milan and in Paris.
At siyempre pa rin, asahan nang magbabardagulan ang mga fans nina Heart at Pia Wurtzbach over a non-issue!
Haist, when will this raging war ever end?! Ronnie Carrasco III