Home IN PHOTOS Heart Evangelista nanumpa bilang Senate spouses foundation president

Heart Evangelista nanumpa bilang Senate spouses foundation president

Larawan kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines- Nanumpa si Heart Evangelista nitong Miyerkules bilang bagong presidente ng Senate Spouses Foundation Inc. (SPFI).

Sa kayang talumpati sa seremonya,  inihayag ng fashion icon at aktres ang kahandaan niyang makipagtulungan sa iba pang asawa ng mga senador “to find ways to uplift our people and communities.”

Nangako siyang ipagpapatuloy ang nasimulan ng mga naunang opisyal ng organisasyon at gawing moderno at “sustainable” ang mga proyekto.

“The legacies left by all the ladies before me, a treasure of stories and testaments of service to the nation is something that encourages me to continue what they have started, to make a difference and to inspire not only SSFI members but also individuals and groups who have the power do something in improving the lives of people around us,” wika ni Evangelista.

“I am bravely taking on these duties. It is inspiring to see what we can accomplish and what kind of changes we can all make together,” dagdag niya.

“Marami na rin silang nagawa so iko-continue lang namin yun and maybe, for me, I’ll probably do a little bit of a modern approach. I’ll try to add a few more sustainability programs that we can help out. So, yes, full time.”

Ibinahagi ng bagong pinuno ng SPFI na humingi siya ng payo mula sa kanyang asawa na si Senate President Francis “Chiz” Escudero at inaming ninenerbiyos siya sa bagong posisyon.

“Definitely, hiningi ko advise niya and medyo OC siya pagdating sa mga detalye. I guess, in a sense, it’s also good, kasi kahit ibang mundo namin I was very trained well by Chiz kasi… every detail he pays attention to but it’s nice kasi he gave me leeway sa mga gusto kong gawin and he’s very supportive,” ani Evangelista

“Kinakabahan siyempre kasi hindi ko naman to mundo eh. But in a sense, you know, even if it’s not my world, I won’t be doing the same thing. So you won’t be expecting me to be going to certain things just to take pictures. I really want to do something and continuously make a change na hindi lang siya para lang artista na nilagay sa ganitong posisyon. I wanna work. So I’m excited in a sense,” patuloy niya.

Sinabi pa niya na kinausap niya ang kanyang predecessor, si Audrey Tan-Zubiri, na inilarawan niya bilang “very graceful and very supportive.”

“I really do believe in continuation of the projects that they have created and made so we will continue that, hopefully with madam Audrey by our side. But she’s very, very nice and very supportive as well,” giit ni Evangelista.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, inihayag ni Evangelista na mas tututukan nila ang mga kababaihan at kabataan at babalikan ang maliliit na infrastructure projects na sinimulan ng mga nakaraang liderato.

Nang tanungin naman kung handa siyang isakripisyo ng kanyang personal na karera upang gampanan ang kanyang mga tungkulin sa SPFI, sinabi ni Evangelista na pangangasiwaan niya ang kanyang oras dahil kailangan pa umano niyang magtrabaho.

“Kung hindi darating ang mga bills, hindi na rin ako magtatrabaho pero may mga bills so kailangan ko pang magtrabaho but it’s all about balancing and distributing your time. Kaya naman. Kakayanin na lang,” anang fashion model.

“Mag-aadjust tayong lahat. So dextrose level na po ‘to,” dagdag niya.

Bukod kay Evangelista, mauupo ang mga sumusunod na asawa at kaanak ng mga senador sa iba’t ibang posisyon: 

  • Kathryna Yu-Pimentel- vice president at chairperson ng committee on social events

  • Maricel Tulfo- secretary at chairperson ng committee on public assistance

  • Teodoro Misael Llamanzares- assistant secretary at chairperson ng committee on finance and logistics

  • Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla- treasurer

  • Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar- legal counsel at chairperson ng committee on environment

  • Marielle Padilla- public relations officer

  • Nancy dela Rosa- public relations officer

  • Taguig City Mayor Lani Cayetano- chairperson ng committee on arts and culture

  • Mark Lapid- chairperson ng committee on ways and means 

Issa Baraquel- chairperson ng committee on youth and women. RNT/SA