Home ENTERTAINMENT Heart, sinabotahe sa fashion week, nag-shopping!

Heart, sinabotahe sa fashion week, nag-shopping!

Manila, Philippines- For the nth time, biktima na naman ng pananabotahe si Heart Evangelista.

Bale ba, lagi na lang daw itong nangyayari sa tuwing meron siyang fashion week na dadaluhan abroad.

Tulad na lang nito, just as Heart was all poised for her interview in Vanity Fair France followed by meet and greet ay saka naman may nag-report ng kanyang social media accounts.

Diumano, nalaswaan daw sa kanyang revealing outfit.

Pero depensa ni Heart, maaaring revealing nga ang kanyang suot pero hindi ibig sabihi’y bastos ang dating niyon.

Of course, people know her better.

Bale ba after her magazine interview ay se-segue pa siya sa dalawang shoot.

After wrapping up the day’s work only then would Heart find time to relax.

And guess kung paano niya tanggalin ang kanyang “I an sad!” feeling sa pananabotahe sa kanya?

“Shopping!” mabilis niyang sabi habang inaayusan ng kanyang glam team.

Katwiran niya: “At least, puwede kong i-justify ang pagsa-shopping ko!”

At least, Heart sees the silver lining sa kabila ng perhuwisyong idinudulot ng pananabotahe sa kanya. Ronnie Carrasco III