Home NATIONWIDE Heated tobacco makababawas ng indoor air pollution

Heated tobacco makababawas ng indoor air pollution

MAAARING makabawas sa indoor air pollution at iba pang kaugnay na sakit sa Pilipinas ang paglipat sa heated tobacco products mula sa paninigarilyo.

Ito ang natuklasan ng isang scientific paper o siyentipikong papel na may titulong “Heated Tobacco Products: Potentials of Harm Reduction, Improvement of Indoor Air Quality and the Need for Further Studies.”

Natuklasan ng scientific paper na ang aerosol mula sa tobacco harm reduction products gaya ng HTPs ay hindi kahalintulad ng usok at hindi nagpo- produce ng parehong pinsala gaya ng sa usok.

“The conclusions are clear: it is not smoke, and while not risk-free, it contains only a fraction of the HPHCs (harmful and potentially harmful compounds) found in cigarette smoke.”

Inilathala sa SciEnggJ, ang official journal ng Philippine-American Academy of Science & Engineering o PAASE, iniakda ang pag-aaral ni Aldwin A. Camance, isang chemical engineer at isang climate change mitigation advocate na nagsagawa ng mahigit sa 50 environmental impact assessments at maraming bilang ng environmental risk assessments. Isa rin siyang senior technical consultant sa Prism Express Consulting.

“All calculations estimate a reduction in possible deaths and incidence of cancer because of switching to HTP,” ayon sa scientific paper.

Tinuran ng Nicotine Consumers Union of the Philippines (NCUP) na ang natuklasan ng pag-aaral ay patunay na hindi problema ang nikotina kundi ang paraan kung paano ito i-consume sa pamamagitan ng kombustiyon.

“By using smoke-free methods such as HTP to deliver nicotine, people can continue to enjoy nicotine while potentially reducing pollution or harm indoors or outdoors,” ayon kay NCUP president Anton Israel.

Natuklasan naman sa pagsasaliksik ni Camance na kabilang sa ‘top five’ na dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas ang air pollution at tobacco smoke.

Sinasabing bagong nicotine delivery method ang HTPs na dinisenyo para maging ‘less harmful alternative’ sa tradisyonal na sigarilyo.

Layon ng pag-aaral na ibuod ang umiiral na international research ukol sa toxicological impacts ng HTPs at epekto nito sa indoor air quality.

Isang kilalang brand ng HTP sa Pilipinas ay IQOS, naging available sa bansa simula pa noong 2020. Umiinit ito nang hindi nasusunog, lalo na iyong dinisenyong tobacco sticks na tinatawag na TEREA na nagde-deliver ng nicotine nang walang usok at abo.

Ayon sa scientific paper, “Considering both the aerosol content and the indoor air quality are much reduced when using HTP as compared to cigarettes, there appears to be a case to state that there is a lower risk of harm” kung ikukumpara sa paggamit ng HTP at paninigarilyo.

Sinasabing sinuri ng scientific paper ang 282 pag-aaral, pananaliksik, mga libro at mga salaysay na nauugnay sa paggamit ng HTP. Karamihan sa mga pag-aaral ay galing mula sa PubMed and ScienceDirect databases, na may data collection na nagpatuloy hanggang July 2021.

“These studies show reduced release of harmful and potentially harmful compounds (HPHC) in the aerosol and lower concentrations of HPHCs in the indoor environment when using HTPs as compared to tobacco smoke,” ang sinabi ng scientific paper.

Nagmumungkahi ito ng pinababang panganib na kaakibat ng paggamit ng HTP.

“There is “wide agreement” that completely switching to HTP use from cigarette smoking is less harmful,” ang iginigiit ng scientific paper kahit na mangangailangan pa rin ng ‘long-term epidemiological studies’ para ganap na matukoy ang paggamit ng HTP.

Natuklasan naman sa isang 90-day study na ang biomarkers ng exposure sa HPHCs ay makabuluhang mas mababa sa HTP users kumpara sa mga naninigarilyo.

Gayunman, binigyang diin ng pag-aaral ang pangangailangan para sa longer-term trials para makumpirma ang mga natuklasang ito.

Dahil sa malaking panganib sa kalusugan na iniuugnay sa paninigarilyo, iginiit ni Camance na ang paghihintay para sa depinitibong long-term studies ay hindi ‘feasible’.

“But the considerable risk of deaths due to tobacco products as provided in the foregoing discussions means that we do not have the luxury of time to wait for further and longer epidemiological studies to confirm the current observation that these HTPs do reduce the harm of use of tobacco products,” ayon kay Camance.

Sinabi pa rin ng scientific paper na kung ang international findings sa harm reduction potential ng HTPs ay mananatiling totoo o balido, ang paglipat mula sa paninigarilyo sa HTPs ay maaaring maging mahalagang sangkap ng isang mas malawak na programa para mabawasan ang respiratory diseases sa bansa.

Samantala, pinagtibay naman sa pagsusuri na mas maraming tiyak o depinitibong pag-aaral ukol sa epidemiological risks ng HTPs ang kailangan, kabilang na ang long-term clinical studies at population-wide epidemiological data.

“While long-term epidemiological studies are still required to determine with finality the risks that HTP use may have, there is already wide agreement in the initial results that the complete switch to HTP use from cigarette smoking presents less risks of harm,”ayon sa scientific paper. RNT