Home ENTERTAINMENT Heaven, ‘adik’ sa popcorn!

Heaven, ‘adik’ sa popcorn!

Manila, Philippines – Kumasa sa Q and A si Heaven Peralejo para sa Cosmo Confessions.

Game niyang sinagot ang ilang mga katanungan sa kanya.

Aniya, mahilig daw siyang kumain ng popcorn.

Katunayan, ang nasabing junk food daw ang last meal niya.

Mababaw din daw ang kaligayahan niya dahil kung gusto mo siyang i-please ay solb na siya sa popcorn.

Di rin daw siya materialistic pero ang pinaka-expensive na nabili niya sa sarili ay ang kotse.

Most memorable travel experience daw niya ay nang mag-travel siya nang solo sa Bali, Indonesia which she found liberating.

First time daw naman siyang nag-I love you noong 19 years old siya.

Nakaranas na rin daw siya ng heartbreak pero siya raw iyong tipo na madaling maka-move on.

Love language raw niya ang physical touch.

Giver o galante rin daw siyang magmahal pagdating sa relationship taliwas sa paniniwala ng ibang tumatanggap lamang siya.

Turn on daw naman sa kanya ang isang lalakeng close sa kanyang family at maging sa tradisyon ng kanyang angkan.

Bet din daw niya iyong umaakyat ng ligaw bago makipag-date.

Turn off daw naman sa kanya iyong hindi okey ang relasyon o may isyu sa sarili niyang mga magulang o mga kamag-anak.

Embarrassing moment daw naman sa kanya iyong time na nakipag-date siya na nasira ang kanyang heels.

Hindi rin daw alam ng publiko na introvert type siya. Archie Liao

Previous articleMindanao secession ekis sa local leaders
Next articleRape pinakatalamak na krimen sa Pinas!