Home NATIONWIDE Heightened security sa Senado, ipinanatili ni Gatchalian

Heightened security sa Senado, ipinanatili ni Gatchalian

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Acting Senate President Sherwin Gatchalian nitong Martes na inirekomenda ng security officials na ipagpatuloy ang mas mahigpit na seguridad sa Senado matapos ang kanilang pagpupulong sa AFP at PNP.

Ayon kay Gatchalian, iminungkahi ng mga security sector na manatiling “proactive” at ipagpatuloy ang heightened security measures sa gitna ng natatanggap na intelligence reports. Humingi rin ang Senado ng tulong sa pagbibigay ng intelligence information.

“Bottomline is they recommend for us to continue to be proactive and continue to implement yung heightened security measures natin,” ani Gatchalian.

Dagdag pa niya, may nakalatag nang security arrangements para sa Special Session ng Senado sa Miyerkules.

Kinumpirma rin niya na may banta na kinasasangkutan ng isang armadong grupo, dahilan kung bakit humingi rin siya ng tulong sa mga beteranong senador sa usapin ng seguridad.

Gaganapin ang Special Session mula 9 a.m. hanggang 4 o 5 p.m. upang tapusin ang mga nakabinbing panukalang batas at para sa pag-apruba ng Commission on Appointments sa ilang opisyal ng gobyerno.

Hindi pa malinaw kung magdaraos din ng halalan para sa bagong Senate President sa sesyon, ngunit sinabi ni Gatchalian na mas mahalaga ang pagpasa ng mga batas at kumpirmasyon ng mga opisyal. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here