RIZAL, Philippines – Isang parada ng mga Higantes ang nasaksihan ng mga taga Angono ito ay paghuhudyat ng month long celebration ng Higantes and Arts Fesival, pumarada kasama ang Angono Elementary School Drum and Lyre Corps at Dona Justa Guido Elementary School Drum and Lyre Corps nitong biyernes October 31, 2025.
Ito ay sinundan ng launching and unveiling ng Calendar of Activities 2025 sa municipal gymnasium sa Pangunguna ni Mayor Gerry Calderon na sinaksihan ng mga sponsors ng Higantes and Arts Festival, mga kawani ng pamahalaan, mga barangay officials, mga mag-aaral at magulang, at ng mga taga-Angono.
Tuloy-tuloy sa programa ay nagpakita na ng kani-kanilang spooky yet creative costumes ang ating mga kababayan na kalahok sa Gabi ng Lagim: Halloween Costume Contest.
Ayon kay Mayor Gerry Calderon asahan sa mga susunod na linggo ang mga kapana-panabik na activities ng ipinagmamalaking Higantes and Arts Festival ng bayan ng sining at galing. (Maritess Pumaras)