Home METRO High-value member ng Tinga drug syndicate tiklo sa Taguig

High-value member ng Tinga drug syndicate tiklo sa Taguig

MANILA, Philippines – Arestado ng Taguig City Police ang high-value member ng Tinga drug syndicate sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Lower Bicutan.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Joel Tinga, na dati nang nasentensyahan ng habambuhay na pagkakulong.

Naaresto ito sa MLQ Street sa Barangay Lower Bicutan matapos na pagbentahan ng hinihinalang shabu ang isang police-poseur buyer noong nakaraang linggo.

“Joel Tiñga’s rearrest is a testament to the Philippine National Police’s commitment to eradicating illegal drugs from our community,” sinabi ni Taguig Chief of Police Police Colonel Christopher Olazo sa press release.

Narekober sa operasyon ang walong sachet ng illegal na droga na nagkakahalaga ng P360,400. RNT/JGC