MANILA, Philippines – Mahigit 1.4 milyong jobseekers ang natulongan ng ngayong taon ng PESO na may 92.72% placement rate sa tulong ng TRABAHO-AGAD job fairs, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino sa pagtitipon ng mga PESO at stakeholders sa 26th National PESO Congress noong Okt. 14-16 sa Lapu-Lapu City, Cebu para palakasin ang local employment services.
Sa mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., binigyang-diin niya na tungkulin ng gobyerno na ilapit ang trabaho sa Pilipino. Inatasan na niya ang DOLE, DepEd, DTI, CHED at TESDA na i-align ang training programs sa pangangailangan ng labor market.
Sa temang “Kaunlaran sa bawat Komunidad, Oportunidad sa bawat Mamamayan,” tinalakay ang paggamit ng labor market intelligence, digital transformation, at lifelong learning para matugunan ang job skills mismatch.
Giit ni Sec. Tolentino, hindi lang national government ang may responsibilidad sa empleo — kailangang aktibo ang LGUs dahil sila ang nakakaalam ng tunay na pangangailangan ng komunidad.
Pararangalan din sa congress ang mga natatanging PESO sa 2025 National Search for Best PESO Awards. Jocelyn Tabangcura-Domenden