Home NATIONWIDE Higit 100 Pinoy sa DMW handa nang mapauwi sa Pinas

Higit 100 Pinoy sa DMW handa nang mapauwi sa Pinas

116
0

MANILA, Philippines- Handa nang mapauwi ang mahigit 100 Pilipino sa Lebanon sa gitna ng pag-atake ng Israel sa Hezbollah group, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sinabi ni Undersecretary Bernrd Olalia na 111 Pilipino ang naghihintay na ng kanilang departure mula sa Lebanon habang nasa 115 iba pa ang naghihintay naman ng kanilang exit permits.

Ayon kay Olalia, kapag maayos ito ay nasa mahigit 200 na ang handang ilikas mula sa Lebanon.

Binanggit din ng opisyal na kasalukuyang mayroong apat na shelters kung saan ang mga Pilipino sa Lebanon na humihingi ng tulong ay nanunuluyan.

Inaasahan naman ng DMW na sa mga susunod na araw ay lolobo pa ang bilang ng mga gustong umuwi kaya pinaghahandaan ito ng ahensya.

Nanatili ang alert level 3 sa Lebanon kaya boluntaryo ang paglikas sa Filipino workers sa naturang bansa.

Sa ngayon ay nasa kabuuang 430 overseas Filipino workers at 28 dependents na ang na-repatriate mula Lebanon sa pamamagitan ng joint efforts ng DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Kaugnay nito, hindi narin pinapayagan ng DMW ang deployment ng OFWs sa Lebanon dahil itinaas na ang Alert Level 3. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here