Home METRO Higit 10K tanim na marijuana, winasak sa Ilocos Sur

Higit 10K tanim na marijuana, winasak sa Ilocos Sur

246
0
(c) Danny Querubin

ILOCOS Sur – Winasak ng awtoridad ang nadiskubreng mga tanim na marijuana sa Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na operasyon ng PDEA Regional Office I – Ilocos Sur Provincial Office (PDEA RO I – ISPO), Sugpon Police Station, at Ilocos Sur Police Provincial Office – Provincial Drug Enforcement Unit (ISPPO-PDEU).

Ayon kay PDEA RO I Regional Director Atty. Benjamin G. Gaspi, binunot at sinunog ng mga operatiba ang kabuuang 10,250 piraso ng fully grown marijuana plants at 1,000 piraso ng marijuana seedlings mula sa limang taniman na may kabuuang sukat na humigit-kumulang 1,600 metro kuwadrado noong Agosto 30–31, 2025.

Ang mga nasabing tanim ng marijuana ay agad na sinunog sa mismong lugar matapos ang operasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here