MANILA, Philippines – Kabuuang 124,245 mananakay na ang nakinabang o nagbenepisyo sa Libreng Sakay para sa mga National ID holders sa lahat ng araw ng Miyerkules ng buwan ng Agosto, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ang Libreng Sakay ngayong buwan ay mula alas-9 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga.
Ayon sa DOTr, ang Libreng Sakay ay bilang tugon sa kahilingan ng Philippine Statistics Authority at alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na i-promote ang paggamit ng National ID.
Noong Agosto 20, na kasabay ng libreng sakay, naitala ng MRT-3 ang pinakamataas na kabuuang sakay na umaot sa 500,703. Jocelyn Tabangcura-Domenden