Home METRO Higit 1,600 pulis Kyusi ide-deploy ngayong Undas

Higit 1,600 pulis Kyusi ide-deploy ngayong Undas

312
0

QUEZON CITY, Philippines – Sinabi ng Quezon City Police District na mahigit 1,600 pulis ang kanilang ide-deploy para tiyakin ang seguridad ng publiko ngayong nalalapit na Undas.

Ayon kay PCol. Vicente Bumalay chief District Operation ng QCPD nakataas ngayon sa mataas na alerto ang mga pulis QC at nakalatag na ang security plan ng QC police para sa nalalapit na paggunita ng Undas.

Sa ginanap na QC Journalist Forum kanina Oktubre 21, 2025 (Martes) tiniyak ni Col. Bumalay na aabot sa 1,646 tauhan ng pulis ang kanilang ide-deploy sa mga matataong lugar tulad ng mga bus terminal, mga sementeryo, memorial park at kolumbaryo.

“Nakataas ngayon sa mataas na alerto ang mga ating mga pulis at aabot sa 1,646 QC pulis ang ating ide-deploy upang matiyak ang kaligtasan ng publiko” ayon kay Col. Bumalay.

Nabatid Col. Bumalay, na bukod sa mga sementeryo at bus terminal iikot din ang mga pulis sa mga subdivision at mga bahay publiko upang tiyakin na hindi magsasamantala ang ibang mga elemento habang abala ang mga publiko sa pagdalaw sa kanilang mga mahal sa buhay sa mga sementeryo.

“Tinitiyak natin na ligtas ang publiko sa paggunita ng Undas kaugnay ng dagsa ng mga tao” ayon pa kay Col. Bumalay.

Sinabi pa ng opisyal ng QCPD na kabilang sa mga babantayan ng mga pulis ang mga bus station at iba pang lugar na dadagsain ng mga tao.

Kaugnay nito sinabi ni PITX Spokesperson Jason Salvador ng Paranaque Integrated Terminal Exchange  (PITX) inaasahan ng PITX na aabot sa 2.1 milyong pasahero ang kanilang seserbisyuhan sa darating na Undas.

Bunsod nito siniguro ni Salvador na sumasailalim sa mandatory drug testing ang mga bus driver na bumibiyahe mula sa PITX  upang matiyak na ligtas ang mga pasahero sa kanilang pagbiyahe. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here