Home METRO Higit 185,000 pasahero inaasahan sa mga pantalan ng Bicol sa Kapaskuhan

Higit 185,000 pasahero inaasahan sa mga pantalan ng Bicol sa Kapaskuhan

300
0

BICOL, Philippines – Inaasahan ng Philippine Coast Guard Bicol (PCG-5) ang humigit-kumulang 185,000 pasahero sa iba’t ibang pantalan sa rehiyon ngayong holiday season.

Magsasagawa ng inspeksyon sa mga barko at mahigpit na pagmamanman sa pantalan mula December 20, 2025 hanggang January 4, 2026 upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.

Itinatag ang Malasakit Help Desks ng Department of Transportation sa pangunahing pantalan para sa agarang tulong at emergency response. Ayon kay Commodore Ivan Roldan, higit 300 PCG personnel ang naka-standby, suportado ng 17 floating assets at 7 land vehicles.

Hinihikayat ang mga pasahero na maagang dumating sa pantalan, sumunod sa safety protocols, magsuot ng life jacket kung kinakailangan, at umiwas sa pagsakay sa mga barkong overloaded o kulang sa safety equipment. Pinayuhan din silang bumili ng ticket mula sa lehitimong sources at iulat agad sa Coast Guard o Malasakit Help Desks ang anumang alalahanin sa kaligtasan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here