Home NATIONWIDE Higit 200 residente inilikas sa Las Piñas sa magdamagang pagbaha

Higit 200 residente inilikas sa Las Piñas sa magdamagang pagbaha

246
0

MANILA, Philippines – Nasa 208 indibidwal mula sa 50 pamilya sa Barangay Pamplona Tres, Las Piñas City, ang inilikas sa kanilang mga tirahan madaling araw ng Miyerkules, Hulyo 9 kasunod ng magdamagang malakas na pag-ulan na nagdulot ng matinding pagbaha sa lugar.

Ang mga inilikas na residente ay kasalukuyang tumutuloy sa temporary shelter sa Verdant Covered Court, na ginagamit bilang evacuation site.

Matatandaan na nagdulot ng mabilis na pagtaas sa lebel ng tubig ang malakas na pag-ulan partikular sa mga lugar na malapit sa creek.

“Nasa 50 pamilya o 208 indibidwal ang nandito ngayon at nailikas mula kagabi,” pagkumpirma ni Charlie Miranda, Operations Supervisor for the Barangay Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) Pamplona Tres sa panayam ng ABSCBN News.

Bagamat huminto ang ulan makalipas ang ilang oras, pinayuhan ang mga residente na huwag munang agad-agad bumalik sa kanilang mga tahanan.

“Sa tantya namin nito 2-3 days. Kung okay na ‘yung kanilang household kung nalinis na lahat, pwede na silang bumalik,” ani Miranda.

Nakipag-ugnayan na ang mga barangay official sa lokal na pamahalaan ng Las Píñas para sa ayuda sa mga evacuees.

Wala namang iniulat na nasawi o nawawala sa nangyaring pagbaha. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here