Home HOME BANNER STORY Higit 300,000 barrels ng diesel dumating sa PH

Higit 300,000 barrels ng diesel dumating sa PH

96
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Energy Secretary Sharon Garin noong Sabado ang pagdating ng mahigit 300,000 barrels ng diesel na inorder ng pamahalaan upang palakasin ang suplay ng langis sa gitna ng krisis sa Middle East.

“Dumating na!” ani Garin sa kanyang Facebook post.

Ayon sa kalihim, ang shipment mula Malaysia na inangkat ng Philippine National Oil Company-Exploration Corp. (PNOC-EC) ay umabot sa 329,000 barrels o higit 52 milyong litro ng diesel.

Layunin ng shipment na “stock up on supply while the Middle East war is not over.”

Dagdag pa ni Garin: “Such a complex world isn’t it? Someone from the Americas starts a war in the Middle East and causes suffering in Asia,”

Bahagi ito ng kabuuang 900,000 barrels ng diesel na inaasahang darating ngayong Abril, na hahatiin sa tatlong batch na tig-300,000 barrels.

Ang susunod na dalawang batch ay inaasahang darating sa ikalawa at ikatlong linggo ng buwan. Ang ikalawang batch ay magmumula sa North Asia o India, habang ang huli ay mula sa Oman.

Ang 900,000 barrels na ito ay bahagi ng mas malaking order na 1.042 milyong barrels ng diesel, kung saan 142,000 barrels ang dumating mula Japan noong Marso 26.

Noong Abril 3, sinabi ng Department of Energy (DOE) na mayroong 75.052 milyong litro ng fuel supply ang bansa na sapat para sa 50 araw.

Sa kasalukuyan, may 2.516 milyong litro ng diesel o katumbas ng 47.26 araw na suplay ang bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here